Mga pelikula sa MMFF 2018, palabas na

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2018 09:51 AM | Updated as of Jul 15 2019 12:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Palabas na sa mga sinehan ang 8 pelikulang Pilipino na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018, Martes, araw ng Pasko.

Katatawanan ang hatid nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at iba pa sa "Fantastica".

Sina Coco Martin at Vic Sotto naman ang bibida sa isa pang komedya na pinamagatang "Jack Em Popoy: The Puliscredibles."

Dalawang horror movie naman ang pagpipilian ng mga manonood ngayong Pasko: Ang "Aurora" na pinagbibidahan ni Anne Curtis, at ang "Otlum" na tampok ang ilang mga teen stars.

Ang "Rainbow's Sunset" na pinangungunahan ng mga beteranong aktor na sina Eddie Garcia at Gloria Romero ay isang family drama na tumatalakay sa isyu ng LGBT.

First time namang masusubukan ang tambalan nina Jericho Rosales at Jessie Mendiola sa "The Girl in the Orange Dress," habang isang kakaibang love triangle naman ang ihahandog nina Sam Milby at Toni at Alex Gonzaga sa "Marry Me, Mary."

Ang "One Great Love" naman ay pagbibidahan nina Kim Chiu, Dennis Trillo at JC De Vera.

Sa Disyembre 27 gaganapin ang MMFF Gabi ng Parangal sa isang entertainment center sa Parañaque.