PatrolPH

Xia Vigor, ibinahagi ang bonding moment nila ni Aga sa shooting ng 'Miracle in Cell No. 7'

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2019 11:47 AM

Watch more on iWantTFC

Gumaganap si Xia Vigor bilang anak ni Aga Muhlach sa Metro Manila Film Festival movie na "Miracle in Cell No.7."

First time na makatrabaho ng child star si Aga. Kuwento ni Xia, masaya siya na makasama ang aktor.

Dagdag pa niya, libangan at bonding moment nila sa shoot ang gumawa ng videos sa Tiktok.

"Sobrang simple lang po siyang tao pero masaya po talaga siyang kasama. Lagi po kaming naglalaro, nagti-Tiktok," ani Xia.

Mapapanood ang "Miracle in Cell No. 7" sa Pasko, Disyembre 25.

Umagang Kay Ganda, Disyembre 20, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.