Kathryn, pinasaya ang mga tinatawag niyang 'anak'

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2017 10:49 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Walang katumbas na ligaya para kay Kathryn Bernardo na makapagdala ng saya sa fans lalo na sa mga bata.

Ambassador ang aktres ng Noordhoff Craniofacial Foundation (NCF) of the Philippines, Inc. Isa itong treatment at support community para sa may craniofacial at cleft palate patients o mga may bingot.

Ikinuwento ni Bernardo ang pinagdaanan niyang bullying noong bata pa siya. Kaya't nang makamit ang tagumpay, naghanap siya ng paraan para tumulong.

"We have speech therapy, dental care para magtuloy-tuloy hanggang puwede sila ma-accept dito na parang katulad lang din nating lahat kasi hindi rin naman nila ginusto na magkagano'n sila," sabi ni Bernardo.

Ipinadama naman ng mga taga-NCF ang pagmamahal at pasasalamat nila sa aktres sa kanilang Christmas party.

Nag-perform sila para kay Bernardo na isinama pa ang kaniyang buong pamilya at ang ka-love team na si Daniel Padilla.

"Alam mo ang maganda sa foundation na 'to, they're very bubbly, happy na parang hindi nila wino-worry kung anong problem nila physically," ani Bernardo.

"Anak" ang tawag ni Bernardo sa mga batang tinutulungan niya.

Hindi rin makalimutan ni Bernardo ang unang baby na inalalalayan niya.

"Mas doble 'yong mare-receive mo na saya... kapag nag-'thank you' na sila sa 'yo, 'yong parents, 'yong mom na parang binago mo 'yong buhay nila," kuwento ng aktres.

-- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.