Mga fans ni FPJ, dumagsa sa Manila North Cemetery sa 14th death anniversary ng aktor

ABS-CBN News

Posted at Dec 14 2018 09:36 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dumagsa ang mga fans at taga-suporta ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery, Biyernes, upang gunitain ang ika-14 na anibersaryo ng kaniyang pagkamatay.

Inaasahan na dadating sa libingan ang kaniyang asawa na si Susan Roces, anak na si Senadora Grace Poe at ang iba pang kaanak upang bumisita sa puntod ng tinaguriang hari ng mga action movie sa Pilipinas.

Namatay si FPJ noong 2004 dahil sa stroke, ilang buwan matapos siyang matalo sa pagkapangulo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.