'Funny One' winner Donna Cariaga ipinakilala ang nobyo

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2017 03:25 PM | Updated as of Dec 13 2017 08:24 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Naging tampulan ng tukso ang buhay pag-ibig ni "Funny One" Season 2 winner Donna Cariaga nang mag-guest ito sa "Umagang Kay Ganda" (UKG) nitong Miyerkoles.

Ito'y matapos aminin na taliwas sa mga hugot niya ang kaniyang buhay pag-ibig.

"Hindi po sila totoo sa akin, pero totoo sila sa karamihan ng mga kaibigan ko," tugon ni Donna nang tanungin kung sino ang "James" at "Joshua" sa kaniyang mga skit.

Paglilinaw ni Donna, masaya siya sa piling ng nobyong si Cedrick Flores, na isinama pa niya sa studio ng UKG.

Inamin ni Donna na mahirap ang ginawa niyang pagpapatawa.

Subalit nakatulong umano ang pagsalang niya sa workshop bago lumaban sa "Funny One" upang mahasa ang kakayahan niyang bumuo ng mga skit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.