Yassi Pressman, masayang nakilala ang half-sister

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2017 11:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hindi maitago ni Yassi Pressman ang tuwa nang makilala sa unang pagkakataon ang half-sister niya sa Florence, Italy noong Disyembre 8.

Dahil sa natatanging karanasan, lalong inspired si Pressman sa kaniyang performances para sa "Kapamilya Fiesta World" ng ABS-CBN RNG at The Filipino Channel.

"Mayroon po akong kapatid from London... Gusto ko kayong pasalamatan kasi I've never been to Europe... ngayon ko lang po siya nakilala and she's an amazing person. I love you and thank you so much," sabi ni Pressman.

Bukod sa pagtatanghal ng aktres, kinagiliwan din ng fans ang song and dance number ng "Ang Probinsyano" star na si Coco Martin.

Ibinahagi rin niya ang mga karanasan bilang dating overseas Filipino worker.

Nagpapasalamat ang aktor sa mainit na suporta ng fans sa "Ang Probinsyano."

Umaasa rin siyang tuloy pa rin ang suporta sa kaniyang Metro Manila Film Festival entry na "Ang Panday."

Samantala, bentang-benta rin sa mga Pinoy sa Italy ang jokes ni Pooh at dance moves ni Awra.

Nakisaya rin sa okasyon si John Prats at ang anak niyang si Feather.

-- Ulat ni Rose Eclarinal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.