Charo Santos at Bea Alonzo, magsasama sa horror film
ABS-CBN News
Posted at Dec 11 2017 11:05 PM
Magsasama sa unang pagkakataon sina award-winning actress Charo Santos at Bea Alonzo sa isang horror mystery thriller na pinamagatang "Eerie."
Sisimulan itong gawin sa 2018 na unang horror movie ni Alonzo at pagbabalik naman sa horror genre ni Santos.
"Very excited ako kasi first time ko gagawa ng ganitong klaseng pelikula, ganitong genre: horror. And of course, l'll be working with ma'am Charo... so it's a totally different experience for me, actually it scares me," ani Alonzo.
"My first film was 'Itim,' it was a horror film. This will be my second and I'm looking forward to working with Bea," kuwento naman ni Santos.
Aminado si Alonzo na kabado siyang makasama sa pelikula si Santos.
"Siyempre di ba, dahil pinapanood mo 'yong mga pelikula ni ma'am Charo, sobrang mataas 'yong tingin ko kay ma'am Charo, feeling ko natural na gusto mo siyang i-impress each time pero parang kailangan ko yata labanan 'yong mga gano'ng moments," sabi ni Alonzo.
"You [Alonzo] have nothing to worry about, I'm just as scared. Bea is such a competent actress, there's nothing to be scared of. Pareho lang ang nerbiyos natin," ani Santos.
Late 90s ang setting ng pelikula sa isang exclusive Catholic school kung saan may natagpuang patay.
Nanalo na ang kuwento sa Bucheon International Fantastic Film Festival.
Ayon sa direktor nitong si Mikhail Red, naka-set na mag-premiere sa international film festival ang "Eerie" bago ipalabas sa Pilipinas.
"We have to premiere in Korea because it already won a prize in Bucheon which is a genre film festival in Korea. So a lot of people are already waiting for this project," ani Red.
Inaasahan ang July international premiere ng "Eerie" na ngayon pa lang ay inaabangan na ng fans sa South Korea.
-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, TV Patrol, Star Patrol, Jeff Fernando, showbiz, entertainment, Charo Santos, Bea Alonzo, pelikula, Eerie, movie, international film festival, Bucheon International Fantastic Film Festival, South Korea