Lea Salonga nominado sa Grammy Awards

ABS-CBN News

Posted at Dec 10 2018 12:29 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Hindi makapaniwala si Lea Salonga na sa kanyang edad na 47 ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging nominado sa Grammy Awards.

Nominated ang Broadway Diva kasama ang cast ng "Once On This Island" para sa best musical theater album.

 

Gumanap na Erzulie,goddess of love, si Lea sa Broadway musical na muling nagbukas noong Disyembre 3, 2017. -- ABS-CBN Umagang Kay Ganda