Marie Digby and Sam Milby: 'Just friends'

Posted at Dec 06 2010 11:49 PM | Updated as of Jan 24 2017 11:35 AM

Watch more News on iWantTFC

Buhay na buhay ang kulturang Vietnam sa 2010 Miss Earth pageant.

Sa coronation night, hinarana din ng dating Boyzone frontman Ronan Keating ang 84 na kandidata.

Sa pag-anunsyo ng top 14 candidates, matindi ang kaba ng isa't-isa nang koronohan ang mga kandidata.

Miss Fire si Miss Puerto Rico, Miss Water si Miss Thailand, Miss Air naman si Miss Ecuador, at tinanghal na Miss Earth 2010 ang 20-year old psychology student at model na si Nicole Faria ng India.

"Do what's best for the environment and what's best for you because at the end of the day, you're not just doing well for yourself. You're also doing well for the future generations," sabi ng dalaga.

Inabangan din sa coronation night ang hosting debut ng YouTube sensation na si Marie Digby.

Si Marie ang American acoustic singer na sumikat sa kanyang rendition ng 'Umbrella.’

Hindi rin lingid sa publiko ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Sam Milby, at sa pambihirang pagkakataon kinuwento ng singer na malapit sa puso niya si Sam.

"We're great though; we're great friends... I got a (text message) this morning: I know you're nervous but you're gonna do great job," sabi ni Marie.

Pero parehong sinasabi ng dalawa, magkaibigan lang sila.

Balak ni Marie na mag-concert sa bansa sa 2011.

Samantala tiyak na ang pagdating sa Pilipinas ng bagong winners ng Miss Earth 2010 sa mga susunod na lingo para sa kanilang kampanya sa kalikasan. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino