Higit 20 palabas, aabangan sa Kapamilya network sa 2019

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 12:13 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ibinida ng Kapamilya network ang mga teleserye, reality, variety at digital shows, pati na rin ang mga pelikulang aabangan sa 2019.

Dalawamput-isang proyekto ang ilalabas ng ABS-CBN sa susunod na taon.

Kabilang dito ang "The General's Daughter" na pagbibidahan ni Angel Locsin.

Aabangan din ang "World of Dance Philippines," "Minute To Win It: Last Man Standing," "Idol Philippines" ni Asia's Songbird Regine Velasquez, ang pelikulang "Eerie" nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio, at marami pang iba.

Inilabas ang mga patikim na shows sa "Family is Love" trade event na naganap kagabi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.