Lou Yanong, ibinahagi ang pagiging biktima ng bullying

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2019 12:58 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inamin ng dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Lou Yanong na naging biktima siya ng bullying.

Kuwento ni Lou, Grade 5 siya nang maranansan ang naging pambu-bully sa kanya sa paaralan, dahilan para naisin niyang lumipat ng ibang eskuwelahan.

Ngayon naman, di naiiwasan na may bashers at hate comments na natatanggap. 

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Lou sa mga nagaganap sa kanyang buhay.

Ayon kay Lou, dahil sa bullying ay mas nakilala niya ang kanyang sarili at mas naging matatag siya.

Umagang Kay Ganda, Nobyembre 27, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.