John Lloyd says he’s not a drunkard

Posted at Nov 23 2011 09:59 PM | Updated as of Nov 24 2011 06:22 AM

Kuwela sa kusina si John Lloyd Cruz habang ipinapamalas ang kakayahan niya sa paggawa ng pizza.

Hindi man lang mababakas kung apektado ang Box Office King sa mga intriga sa kanya.

“I am indeed better than ever,” aniya.

Natuon ang pansin kay John Lloyd matapos ang pag-amin nila ng girlfriend na si Shaina sa problema sa kanilang relasyon kung saan nakaladkad ang pangalan ni Ruffa Gutierrez.

Sinundan pa ito ng tell-all interview ni Ruffa Gutierrez.

Blow by blow na ibinunyag ng aktres ang relasyon, break-up at naging problema nila noon ni John Lloyd -- babae at alak.

Ngayon, matapos ang matagal na pananahimik, hinarap ni Lloydy ang media.

Pinili ni John Lloyd na huwag nang himayin at sagutin punto por punto ang banat sa kanya.

Mananatili raw siyang maginoo at 'di magsasalita ng makakasira o makakasakit sa iba.

Aniya, “Siguro ganoon ako pinalaki. Hindi naman ibig sabihin na kapag binato ka ng bato, may masamang ginawa sa 'yo, kapag inaargabyado ka, dapat gumanti ka. At all times naman, you try to do what’s best, what’s good, ‘yung di makakaapak sa iba ‘yung hindi makakasira sa iba.”

Nang tanungin sa bisyo ng pag-inom, sinabi niya, “Never naman ako na hindi naging healthy living eh. Actually alam mo di naman talaga ako gumi-gimmick, yung mga gimmick na clubbing and going to the bars, di naman.”

Pero, nang tanungin kung may mensahe siya kay Ruffa, sumagot siyang, “Wala po akong gustong sabihin kahit kanino. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin kanina.”

Tumanggi na ring magbigay ng detalye si John Lloyd sa estado ng relasyon nila ngayon ni Shaina na kababalik lang mula sa Amerika. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino