PANOORIN: Moira kinanta ang 'Paubaya' sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2020 03:45 PM

Watch also in iWantTFC

Itinanghal ni Moira dela Torre ang kanta niyang "Paubaya" sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo, ang unang pagkakataong kinanta niya ang hit song sa live television.

Ayon kay Dela Torre, labis ang kaniyang pagpapasalamat sa lahat ng tumangkilik sa "Paubaya," na umani ng milyong views at listens sa social media at streaming platforms.

"Sobrang nagpapasalamat ako sa inyong lahat para sa milyon-milyon views at streams sa YouTube, Facebook, Apple Music at Spotify ng bago kong kantang 'Pabuaya,'" ani Dela Torre.

Sinabi rin ni Dela Torre na binabasa niya ang lahat ng social media posts ng netizens na nagkukuwento tungkol sa kanilang mga sariling "Paubaya story."

Naging top trending topic sa social network na Twitter ang pangalang "Moira" nang unang ilabas ng Star Music ang "Paubaya" noong nakaraang buwan.

Tila marami kasing nakaka-relate sa lyrics ng kanta na puno ng hugot.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.