Training ni Jane de Leon para sa Darna, ipinasilip

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 11:26 AM | Updated as of Nov 18 2019 11:29 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ipinasilip ni Jane de Leon sa kanyang fans at followers ang ginagawang pag-eensayo para sa pelikulang "Darna."

Ibinahagi ni Jane sa kanyang Instagram account ang pagte-training sa gym kasama ang celebrity coach na si Culver Padilla.

Sinimulan ni Jane ang pag-eensayo para mapalakas ang lower back.

Nangako si Jane na maglalabas pa ng video ng kanyang training.

-- Umagang Kay Ganda, Nobyembre 18, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.