Marlo Mortel, ikinalungkot ang pagkatalo sa 'Tawag ng Tanghalan'

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 11:09 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ikinalungkot ni Marlo Mortel ang pagkatalo sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak."

Bungad ni Marlo sa kanyang Instagram post: "Not gonna lie, my heart breaks."

Kuwento ni Marlo, ilang beses na siyang natalo sa mga competisyon pero patuloy siyang sumasali at lumalaban.

Kaya noong sumali siya sa "TNT," pakiramdam niya ay handang-handa na siya.

Kahit hindi nakuha ang panalo, tanggap niya na ganoon talaga ang buhay.

Nagpasalamat si Marlo sa lahat ng mga taong naniwala, sumuporta, at nagmahal sa kanya.

Umagang Kay Ganda, Nobyembre 15, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.