Korean star Ryu Seung-ryong, natuwa sa PH remake ng 'Miracle in Cell No. 7'

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2019 11:13 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagbigay-reaksiyon ang Korean actor na si Ryu Seung-ryong sa Philippine remake ng South Korean film na "Miracle in Cell No. 7."

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi niya ang teaser ng pelikula at nilagyan ng caption na: "So touched to know that there will be a Philippine remake."

Nagpasalamat ang Viva Films na nag-produce ng pelikula sa suporta ng Korean actor.

Mapapanood ang "Miracle in Cell. No. 7" sa Disyembre 25.

Umagang Kay Ganda, Nobyembre 15, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.