PatrolPH

Hollywood stars nagpaabot ng panalangin para sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2020 06:14 PM | Updated as of Nov 02 2020 02:03 AM

Watch more on iWantTFC

Nagpaabot naman ng panalangin at suporta sa Pilipinas ang ilang Hollywood stars dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly.

Sa Twitter, humingi ng panalangin ang "Avengers" star na si Mark Ruffalo para sa mga Pilipino na naapektuhan ng bagyo, na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Sinabihan din niya ang Twitter followers na maghanda para sa pagpapadala ng tulong.

Ang Oscar-winning actor naman na si Russel Crowe ay nag-post din sa Twitter tungkol sa bagyong Rolly.

Ayon kay Crowe, nasa isip niya ang Pilipinas at hangad din niya ang kaligtasan ng lahat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.