Billy, Matteo, Luis nag-ala boyband sa 'Showtime'

Posted at Oct 30 2014 06:47 PM | Updated as of Nov 01 2014 01:55 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Pinakilig ng mga bida ng "Moron 5.2: The Transformation" ang madlang people nang mag-ala boyband sila sa "It's Showtime" nitong Huwebes.

Sama-samang kumanta't sumayaw sina Billy Crawford, Matteo Guidicelli, Luis Manzano, Marvin Agustin at DJ Durano upang i-promote ang pelikula.

Ipapalabas ang "Moron 5.2: The Transformation" simula Nobyembre 5.