John Lloyd vows to stay away from Ruffa

Posted at Oct 21 2010 10:00 PM | Updated as of Oct 22 2010 11:12 AM

Mula nang maghiwalay, tila hindi na nagkatugma ang pahayag ng dating magkarelasyong John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez, kaya kaninang hapon napilitang humarap ang Box Office King na si John Lloyd para agad linawin ang magkakaiba nilang pahayag.

"It’s not communication like kung paano siya ini-insinuate ng mga tao, ng ilang mga members ng press. It’s communicating na may effort to address some issues na involved kami pareho. For 2 people who used to be together, it’s just normal na pag-uusapan ‘yong kayo mismo. Kung ano ba talaga ‘yong lumalabas na issue na sinabi mo or sinabi ko, ganoon lang kasimple ‘yon,” ani Cruz.

Ang naiipit sa isyu, ang bagong girlfriend ni John Lloyd na si Shaina Magdayao. Ayon naman kay John Lloyd, hindi raw apektado si Shaina sa balitang nag-usap pa sila ni Ruffa.

“She’s been very understanding. She’s very mature about it. We are very much okay. Nagkakaintindihan kami. Kapag ganoon, mas lalo mong minamahal iyong tao,” ani Cruz.

Para makaiwas na lumaki pa ang isyu, pinili ni John Lloyd na iwasan na muna si Ruffa.

“It’s time to make it public na maybe it’s time for me to stay away from her para na rin matapos na. Out of my respect for her and for her family,” giit ni Cruz.

Inamin naman mismo ni John Lloyd na hindi niya kayang putulin nang tuluyan ang kanilang pagkakaibigan. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino