ABS-CBN programs recognized at CMMA

Posted at Oct 19 2011 11:16 PM | Updated as of Jan 24 2017 04:51 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Buena manong pinarangalan kanina ang Catholic Mass Media Awards (CMMA) hall of famers kung saan pasok ang 4 na programa ng ABS-CBN.

Nagtipon-tipon ngayong gabi dito sa San Carlos Seminary ang mga kasama natin sa media, pelikula, musika at iba pang larangan ng sining para sa 33rd CCMA.

Kinikilala ng CMMA ang pinakamahuhusay na achievements sa industriya batay sa pamantayan ng makatao at maka-Diyos na programa sa radio, print at TV, pati na rin sa advertising at film.

Tampok ang paggawad ng CMMA Hall of Fame award sa “TV Patrol” bilang Best News Program sa telebisyon.

Hall of famer din ang “Rated K,” bilang Best Magazine Program sa TV, “MMK” sa dzMM na Best Drama sa radyo at Best News Program sa radyo ang “TV Patrol” sa dzMM.

Namataan naman natin ang pamilya ng CMMA Lifetime Achievement Awardee na si Ramon Revilla Sr.

Present din ang stars ng showbiz, ang hosts na sina Anne Curtis at Vhong Navarro, Ms. Susan Roces, at iba pang star presenters.