Direk Erik Matti, nagbigay ng 'proper goodbye' kay Liza Soberano

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 12:08 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Sa pagbibitiw ni Erik Matti bilang direktor ng Darna, inihayag niya sa Instagram na natupad niya ang wish na mabigyan si Liza Soberano ng proper goodbye.

Sabi ni Matti, sana makatrabaho pa niya muli si Soberano sa mga susunod nitong projects at lubos naman ang pasasalamat ng aktres sa direktor.

Creative differences ang sinasabing dahilan ni Matti kaya niya binitawan ang trabaho. Papalitan siya ni direktor Jerrold Tarog na direktor ng "Goyo: Ang Batang Heneral." -- Umagang kay Ganda, 11 October 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.