Cristine Reyes, 'di na gamit ang apelyido ng mister sa social media

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2018 11:58 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Usap-usapan ang pagbago ni Cristine Reyes ng kaniyang pangalan sa social media.

Sa kaniyang Instagram username, hindi na niya ginagamit ang apelyido ng asawa niyang si Ali Khatibi at ibinalik ang kaniyang pangalan sa Cristine Reyes.

Dati niyang ginagamit bilang username ang @mrscristinekhatibi.

Pansin din ng fans na hindi na niya sinusundan sa Instagram ang kaniyang mister.

Enero pa nitong taon nang magsimula ang usap-usapang hiwalay na si Cristine sa kaniyang asawa. – Umagang kay Ganda, 11 October 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.