Mga beteranong OPM na mang-aawit, bibida sa isang benefit concert

ABS-CBN News

Posted at Oct 10 2019 12:01 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang concert para makatulong sa nangangailangan ang pagsasamahan nina Chad Borja, Rannie Raymundo, Renz Verano and Richard Reynoso o kilala rin sa tawag na The Hitmen.

Magaganap ang "The OPM Hitmen Magkakaibigan: A Benefit Concert" sa Oktubre 19 sa Music Museum.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, ibinahagi ng mga mang-aawit na matutulungan ng kanilang pagtatanghal ang Little Brave Hearts, isang grupo na binuo ng mga magulang para sa mga batang may congenital heart disease at Down syndrome.

Para naman sa mga manonood ng UKG, inawit ng The Hitmen ang "Kay Hirap Tumanda."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.