PatrolPH

Sheryn Regis, balik-pagtatanghal sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2019 11:27 AM

Watch more on iWantTFC

Balik-Pilipinas ang mang-aawit na si Sheryn Regis, ang tinaguriang "Crystal Voice of Asia."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Sheryn na bumalik siya sa Pilipinas para muling magtanghal para sa kanyang mga tagahanga.

Sa Texas na nakabase si Sheryn kung saan maliban sa pagiging guro ay parte rin siya ng isang regular TV show.

Umagang Kay Ganda, Oktubre 4, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.