PatrolPH

'Tara, G!' cast bumisita sa 'ASAP Natin 'To'

ABS-CBN News

Posted at Oct 02 2022 03:07 PM

Watch more on iWantTFC

Tampok sa "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo ang cast ng pinakabagong youth-oriented show ng ABS-CBN na "Tara, G!".

Bumisita sa "ASAP" ang lead cast members na sina Anthony Jennings, Kaori Oinuma, JC Alcantara, Vivoree, Zach Castaneda, CJ Salonga, at Daniela Stranner.

Itinanghal naman ng bandang The Juans ang theme song ng serye.

Sinusundan ng "Tara, G!" ang kuwento ng mga magkakaibigang nagsisikap na magbigay ng karangalan sa kanilang bayan sa pamamagitan ng pagbebenta ng coffee beans at coffee wine.

Direktor ng serye si Cathy Camarillo at kinuhanan ito sa Atok, Benguet.

Nakatakdang mag-premiere sa iWant TFC ang "Tara, G!" sa Oktubre 7.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.