Antoinette Taus makes it to ‘The Sing-Off’

Posted at Sep 21 2011 10:53 PM | Updated as of Sep 22 2011 10:48 AM

Kilala si Antoinette Taus sa Pilipinas dahil nag-umpisa siyang mag-artista sa ABS-CBN noong siya'y 11 taong gulang pa lamang.

Pero sa Hollywood, ngayon pa lamang makikilala si Antoinette.

Kasama siya sa grupong 'Kinfolk 9' na pasok sa top 14 ng "The Sing-Off," ang popular na a cappella singing contest sa Amerika.

Kahit pa matagal nang kumakanta, aminado si Antoinette na kabado pa rin siya nang unang beses silang mag-perform sa show.

"Akala ko madali. Grabe, [this is] one of the hardest thing I've ever done, singing-wise. Kasi if you're singing a cappella, it has to be extremely perfect. One little mistake, one pitchy part, ruins everything because there's no music," ani Taus.

Kasama ni Antoinette sa Kinfolk 9 ang kinakapatid na si Jenilee Reyes, na siyang bumuo ng grupo, at si Jon Hall, isa sa mga “Warblers” sa television show na "Glee."

Sabi ni Hall tungkol kay Antoinette, "She's the sweetest girl I've ever met. You wouldn't know that she's this huge celebrity or anything just because of her demeanor. She's an amazing singer."

"This is definitely a big break for me. I mean it’s national television, and I get to sing with people that I love, my friends," pagbabahagi naman ni Reyes.

Excited pero kinakabahan din si Antoinette sa magiging reaksyon ng mga Pinoy sa kanyang pagsali sa contest.

"It’s almost like I'm not just doing it for me, I'm also doing it for Filipinos everywhere. It's really important to me that people know that I'm a Filipino."

Matapos ang kanilang unang performance, marami ang na-impress sa Kinfolk 9, lalo na sa kanilang lead singer, kaya naging paborito agad sila ng maraming manonood.

Ang mananalo sa "The Sing-Off" ay magkakamit ng Sony Music recording contract at $100,000 na cash prize. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Hollywood, California