PatrolPH

Nag-sick leave na empleyado, rumampa sa 'Showtime,' nag-shout-out kay boss

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2023 08:06 PM

Watch more on iWantTFC

Dahilan ng katatawanan sa "It's Showtime" nitong Martes, Setyembre 19, ang isang BPO employee na umaming nag-sick leave para lang makabisita sa studio at makisaya bilang parte ng madlang people.

Isa si Gwen sa mga napiling contestant ng "Rampanalo," kaya imbes na maupo lang at manood mula sa audience area ay napasabak siya sa stage.

Nang kumustahin ng hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis, natatawang pag-amin ng Gwen: "Absent po ako ngayon. Nag-sick leave po!"

"Sorry po! 'Showtime' first!" hirit ni Gwen nang bigyan ng pagkakaton na mag-shout sa kaniyang boss.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.