PatrolPH

Matapos hiranging 'TNT' champion, Reiven Umali nagpabilib sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2021 02:22 PM | Updated as of Sep 19 2021 03:53 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Nag-debut sa "ASAP Natin 'To" stage ngayong Linggo ang pinakabagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan" na si Reiven Umali.

Sabado nang hiranging grand winner ng ikalimang season ng "Tawag ng Tanghalan" sa programang "It's Showtime" ang mang-aawit na taga-Cavite.

Sa "ASAP," kinanta ni Umali ang "Creep" ng bandang Radiohead, na isa sa mga kinanta niya sa finals ng TV singing competition.

Bago ang number ni Umali, kinanta rin ng ilang "Tawag" alumni ang "Patuloy Ang Pangarap" ni Angeline Quinto.

Kasama rito ang mga runner-up ni Umali na sina Adrian Manible at Anthony Castillo, Season 2 winner Janine Berdin, Season 4 winner JM Yosures, Sam Mangubat, Ana Ramsey at Sheena Belarmino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.