Geoff Eigenmann, inspirado dahil sa 'The Killer Bride'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Sep 19 2019 12:16 PM | Updated as of Sep 19 2019 01:30 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Gabi-gabing napapanood si Geoff Eigenmann bilang si Vito dela Cuesta sa tinututukang teleseryeng "The Killer Bride."

Masaya si Geoff dahil sa kanyang pagbabalik bilang isang Kapamilya ay mainit na tinanggap ang una niyang assignment na TV series.
 
"Ibang klase ang reaction ng mga tao about the show. It's crazy pero maganda siya because it's breaking a lot of firsts with the murder-mystery genre, tapos 'yung combination of all the characters and how the story goes," aniya.

Pigil naman sa pagkuwento si Geoff nang matanong kung ano-anong mga pasabog na aabangan sa "The Killer Bride" na pinagbibidahan ni Maja Salvador.
 
"Marami pang mangyayari. We're only in our fifth week so marami pang mangyayari. Marami kaming natatanggap na good news behind the camera," aniya.

Binabasa ni Geoff ang netizens' comments sa "The Killer Bride" at dagdag inspirasyon ito sa kanya na mas pagbutihin ang trabaho.

At sa dami ng online messages, mahirap matandaan ang paboritong komento.

"Ang dami kasi [so] it's hard to single one out, maybe [the comment on] how the story of the show goes. So hindi mo alam kung ano ie-expect mo," aniya.
 
Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ang "The Killer Bride" sa ABS-CBN pagkatapos ng "The General's Daughter."