Anne Curtis naluha katatawa nang mahuling mali-mali ang lyrics

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2023 08:46 PM

Watch more on iWantTFC

Naluha katatawa si Anne Curtis nang mahuli ni Vice Ganda na mali-mali ang lyrics habang kumakanta, sa episode ng "It's Showtime" nitong Biyernes, Setyembre 15.

Sinabayan ng dalawang host ang isang "Mini Miss U" contestant sa pag-awit ng "Uhaw" ng Dilaw. Dito napansin ni Vice Ganda na tila "chinacharot" o hinuhulaan lang ni Anne ang lyrics, kaya't pabiro niya itong hinamon na umawit mag-isa.

Mangiyak-ngiyak sa pagtawa si Anne nang amining hindi niya nga kabisado ang letra. Sa kabila nito, hindi siya nagpapigil na kumanta pa rin para sa madlang people.