Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang look sa 'Fantastica'

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 11:27 AM | Updated as of Sep 14 2018 11:29 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Ipinasilip na ni Vice Ganda ang kanyang nakakaaliw na look para sa pelikulang "Fantastica," kung saan makakasama niya sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

Sa kanyang Instagram Stories, makikita ang kulot na blonde na buhok ni Vice Ganda, pati na ang freckles sa kanyang mukha. 

Biro naman ni Vice Ganda, tinakasan siya ng ganda sa mga oras na 'yon.

Mapapanood ang "Fantastica," isa sa opisyal na kalahok ng Metro Manila Film Festival, sa December 25, 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.