Jonas Brothers amazed at Pinay in Camp Rock 2

Posted at Sep 07 2010 11:56 PM | Updated as of Sep 08 2010 10:12 AM

Dalawang Pinoy-American ang kasama sa sequel ng Camp Rock 2: The Final Jam ng Disney Channel.

Kasama nila ang sikat na "Jonas Brothers" sa red carpet premiere sa Manhattan, New York.

Ang dalawa ay sina Anna Maria Perez de Tagle na tampok din sa Hanna Montana at ang Filipino-African American na si Roshon Fegan na gaganap na high energy director of activities.

“It really has been a whirlwind, and I am very lucky to be where I am,” ani Tagle.

Bilib naman ang Jonas Brothers sa Pinay!

“She’s amazing. She’s so talented. She’s gonna be such a bigger star than she already is.. We’re really happy that she’s in this movie and happy she’s on the tour,” pahayag ni Joe Jonas.

Mapapanood na sa Disney Channel ang Camp Rock 2. – Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino