ABS-CBN features new offerings in trade launch

Posted at Sep 01 2011 11:45 PM | Updated as of Sep 02 2011 10:32 AM

Bubuhos ang saya at sorpresa para sa advertisers sa paglulunsad ng mga bagong Kapamilya shows.

Pupunta rito ngayong gabi ang contestants ng "The Biggest Loser" na payat na.

Ilulunsad din ang pagsasanib-puwersa ng DZMM Teleradyo at Current Affairs kung saan mas maagang mapapanood ang mga programa sa Teleradyo.

Ipakikilala rin ang mga magsisimulang programa ng ABS-CBN News, ang "Ako Ang Simula" nina Karen Davila at Anthony Taberna.

Ipakikilala rin ang mas pinalakas at pinalawak na pagbabalita sa "Bandila."