Derek says butt exposure in new movie accidental

Posted at Aug 30 2011 09:56 PM | Updated as of Aug 31 2011 11:43 AM

Dahil maselan ang eksena, pinalayo muna ang TV Patrol camera sa pictorial ng "No Other Woman."

Naka-lingerie lang sina Anne Curtis at Cristine Reyes at pinapagitnaan nila ang leading man na si Derek Ramsay.

Ilan lang ito sa maiinit na mga eksena tungkol sa pakikiapid ng may-asawa.

Ayon sa mga bida, sadyang mapangahas ang mga eksena.

Rebelasyon ni Derek, hindi inaasahan na siya’y masilipan.

“Butt exposure. Sobrang ganda ng kinukunan namin, we were already in the middle of the scene. It has a mind of its own, it came out,” sabi ni Derek.

Palaban naman sa mapangahas na eksena nila ni Derek si Cristine.

“Sanay na ako doon eh. Usual na ginagawa ko na iyon eh. Gusto ko na nga ng iba eh. Nagsasawa na nga ako eh,” sabi ni Cristine.

Ito’y kahit kagagaling lang sa pagkakaospital ng halos 3 linggo ang sexy star.

Naisulat sa ilang pahayagan na dinapuan ng meningitis ang aktres pero hindi na ibinunyag ni Cristine ang sakit.

“Viral siya. Sa utak,” sabi ni Cristine.

Malayo naman sa seksing imahe sa pelikula ang nakatuwang pagkanta ni Anne ng Kapamilya station ID.

Giit ni Anne, siya at walang iba ang kumanta nito.

“Kinarir ko iyon. Ako talaga iyon. In fairess nag-improve talaga ang boses ko,” sabi ni Anne.

Game na game pa siyang magpa-sample.

Tapos na ang recording ng album niyang “Anne-bisyosa” at ilalabas na ito sa susunod na buwan. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino