Pinoy beauties should get interpreter for int'l pageants

Posted at Aug 25 2010 10:01 PM | Updated as of Aug 26 2010 06:01 AM

Umani ng puna at biro ang "major major" na sagot ni Venus Raj sa Miss Universe nitong Martes.

Walang paghuhusga si 1969 Miss Universe Gloria Diaz kay Venus, pero panahon na para kumuha ng interpreter ang mga pambato ng Pilipinas.

“That’s a good suggestion especially we have Filipinos all over the world who can interpret anything... I think she thinks in Tagalog and answers in English. I can relate to that because I  used to think in English and answer in Tagalog, and it was very difficult for me,” ani Diaz.

Maari rin daw sa kanilang native na salita.

“Kasi when you think about a Cebuana can hardly speak English and of course Tagalog. Maybe she should answer in Bisaya,” anang dating beauty queen.

Suportado naman ng English professor Jose Wendell Capili ng University of the Philippines ang pananaw ni Gloria.

Hindi rin daw ito mangangahulugan na mahina sa pag-iingles ang Pinoy.

BAgo umalis, iginiit ni Venus wala siyang pagsisi sa kanyang sagot.

Kinikilala naman ng Palasyo ang ambag ni Venus sa harap ng negatibong balita sa bansa.

Walang pinagsisihan si Venus lalo't ibinigay niya ang lahat para sa ikararangal ng mga Pilipino. – Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino