PANOORIN: Jona kinanta ang theme song ng 'Ang Sa Iyo Ay Akin'

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2020 04:47 PM | Updated as of Aug 23 2020 11:37 PM

Watch also in iWantTFC

Isang madamdaming performance ang handog ngayong Linggo ni Jona nang kantahin niya sa "ASAP" ang theme song ng bagong Kapamilya serye na "Ang Sa Iyo Ay Akin."

Ipinamalas ni Jona ang galing sa pagkanta sa pag-awit ng "Ang Sa Iyo Ay Akin," na ni-record ng rock band na Aegis para sa serye.

Nagsimulang umere nitong nagdaang linggo ang nasabing serye, na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby, at Maricel Soriano.

Sinusundan ng serye ang kuwento ni Marissa Pineda (Sta. Maria) na balak "agawin ang lahat" sa kaniyang kababatang si Ellice Ceñidoza (Calzado).

Mapapanood sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live ang "Ang Sa Iyo Ay Akin" mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:40 ng gabi pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.