Columnist 'lectures' Carla Abellana

Posted at Aug 23 2011 10:44 PM | Updated as of Aug 25 2011 02:15 AM

Hindi akalain ni Sitti na sa unang pagkakataon ay mabibiktima siya ng isang promoter sa isang show sa Cagayan de Oro noong Biyernes.

“Hindi po ako lumabas when it was my turn to sing because we weren’t paid yet,” sabi ni Sitti.

Nagsinungaling diumano ang promoter na hindi siya makapag-show dahil may sakit siya.

“Okay lang sa'kin kahit hindi niyo ako bayaran pero utang na loob... lahat ng services na kinuha ninyo bayaran ninyo but huwag na kayong magpo-produce,” sabi ni Sitti.

Itinuloy na lang ni Sitti ang pagkanta para sa fans na naghihintay sa kanya.

Naeskandalo naman si Carla Abellana sa sarili niyang press conference nang pangaralan siya ng kolumnistang si Mario Bautista.

Ito'y kaugnay ng e-mail ni Abellana kay Bautista na dapat mag-erratum o ituwid ng kolumnista ang maling naisulat niya tungkol sa pagbo-bold ng aktres sa "My Neighbor's Wife.”

Giit ni Bautista, wala siyang ginawang masama dahil binase niya kanyang column sa media release ng pelikula.

Nadagdagan pa ang isyu sa aktres nang maisiwalat na nahaharap sa kasong breach of contract si Abellana at ang manager niyang si Arnold Vegafria dahil sa paglabas niya sa isang proyekto na labas sa kanyang exclusive contract sa Regal Films.

Nag-walk out ang producer na si Lily Monteverde na hindi na nakayanan ang tensyon.

“May I go? Because I’m crying na,” sabi ni Monteverde.

Iginiit naman ni Vegafria na walang breach of contract sa Regal Films dahil guest lang ang aktres sa pelikulang kinukuwestiyon.

Ang ending ng mga eksena, nag-sorry si Abellana kay Bautista.

“Para it won’t be a bigger issue ‘di ba? Just apologize na lang,” sabi ni Abellana.

“I have all the more respect for Carla kasi na-handle niyang mabuti ang sitwasyon,” sabi naman ng aktor na si Jake Cuenca.

Pero matapos ang lahat, napaiyak na lang ito sa isang tabi. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino