Ama ni Morissette Amon, nagpahayag ng galit sa singer

ABS-CBN News

Posted at Aug 21 2019 12:34 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nitong buwan ay naging usap-usapan ang mainit na tweets ng ama ni Morissette Amon na si Amay Amon tungkol sa diumano'y pag-iwan ng mang-aawit sa kanyang pamilya.

Base sa tweets ni Amay, sumama diumano si Morissette sa kanyang nobyo na si Dave Lamar.

Si Dave ay kapwa contestant ni Morissette noong sumali siya sa "The Voice of the Philippines" noong 2013.

Hindi naman napigilan ni Paolo Valenciano na magbigay ng payo sa ama ni Morissette.

Sa mga tweet ni Paolo sa ama ni Morissette, sinabi niyang huwag idaan sa social media ang alitan nila ng kanyang anak.

Dagdag niya, anuman ang kanilang sitwasyon ay magkapamilya pa rin sila.

Si Paolo ang naging direktor ng first major concert ni Morissette na "Morissette Is Made" noong nakaraang taon.

Umagang Kay Ganda, Agosto 21, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.