Nora, Vilma to remake their old flicks

Posted at Aug 12 2011 11:26 PM | Updated as of Aug 13 2011 05:45 PM

Excited na  ibinunyag ni Vilma Santos na binubuo na ng ABS-CBN ang TV show nila ng anak na si Luis Manzano. Showbiz-politics daw ang tema nito at may kawanggawa pa.

Ani niya, “Looking forward ako. Sana magka-show kaming dalawa ng anak kong si Lucky. Di ba, maganda? Pinaplano na ‘yan pero intended for next year.”

Balik-pelikula rin si Vilma sa horror thriller na "The Healing" kasama si Kim Chiu.

Kukunin din si Governor Vi ni Mother Lily Monteverde para sa remake ng pelikulang “Sister Stella L.” na ginawa ni Vilma noong 1984.

Reaksyon ni Ate Vi, “Looking forward. Looking forward. Ewan ko, dalawa yung ‘Sister Stella L.’ Pero kailan? (laughs) Pero maganda po, I really don’t mind.”

Maging si Superstar Nora Aunor, posibleng gumawa rin ng remake ng dati niyang pelikula. Pinagpaplanuhan na kasi ng Viva Films at Golden Lions nina Carlo Caparas at Donna Villa ang remake ng “Bakekang” na unang ginawa ni  Guy noong 1978.

“Of course, puwedeng-puwede si Ate Guy,” pahayag ni Villa.

Dagdag naman ni Caparas, “Napakagandang pagkakataon ng pagdating ni Nora Aunor sa bansa [sana] makasama [siya] sa proyekto namin.”

Tuloy din si Guy sa paggawa ng Metro Manila Film Fest na “Hototay: Mano Po 7” kung saan bubuhayin ni Mother Lily and tambalan nila ni Tirso Cruz III, bukod pa ito sa “El Presidente” at isang indie movie offer.

“Kung kailangan ang suporta ko andiyan ako kahit walang pera, 'wag nating pag-usapan. Pati sa teatro kung kailangan ako, andiyan ako,” paglalahad ni Nora.

Masaya naman ang mga taga-industriya dahil patuloy na pinasisigla nina Guy at Vi ang showbiz sa kanilang muling pagiging aktibo. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino