[CMSAbstractTransformation.DataBind]: Object reference not set to an instance of an object.

EXCL: 2008 Miss Earth Karla Henry stabbed

Posted at Aug 11 2011 11:18 PM | Updated as of Aug 12 2011 07:42 AM

Tulala pa si Miss Earth 2008 Karla Henry nang datnan namin siya sa kanyang kuwarto sa St. Luke's Medical Center sa Taguig.

Nahihirapang huminga at pabulong magsalita si Karla matapos masaksak ng isang lalaki sa parking lot ng kanyang condo unit sa Mandaluyong.

Ang suspek , ang 29-year-old na si Jherome Quibuyen.

Kuwento ni Karla, pauwi na siya kaninang 6 a.m. nang makita niya ang suspek na nakatambay sa parking lot na may hawak na bote ng beer.

Naglalakad na raw siya papunta sa elevator nang bigla siyang saksakin sa likod ni Quibuyen.

"He didn't stop... he continued pa until I started screaming na. That's when he stopped and he ran upstairs. Namukaan ko talaga siya kasi he changed his shirt. I know his shirt. I know it so well and I know his face," sabi ni Karla.

Walang alam na motibo si Karla kung bakit siya inatake ng suspek.

Pero todo-tanggi si Quibuyen, hindi raw siya ang sumaksak kay Karla.

"Suspect pa lang po ako. Hindi po ako naglalasing doon. Sa condo po ako nag-iinom," sabi naman ni Quibuyen.

Pero sa salaysay ng 2 security guards ng condo unit na sina Jerry Husi at Jerry Hubaldo, si Quibuyen lang ang nakita nila sa CCTV na pasok sa description ni Karla.

Kasong frustrated murder ang haharapin ni Quibuyen.

Patuloy na sumasailalim naman sa medical tests si Karla dahil sa internal bleeding. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino