AC Bonifacio, naglabas ng bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 12:04 PM | Updated as of Jul 30 2019 12:25 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong awitin ang inilabas ni AC Bonifacio para sa kanyang mga tagahanga.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, nagbahagi si AC tungkol sa kanyang bagong awitin na may titulong "Slide Into My DM."

"It's my second single. It's a very catchy danceable song. So make sure to download it on all digital platforms. ...Very millennial," ani AC.

At para sa mga manonood ng "UKG," inawit ni AC ang kanyang bagong awitin.

Noong nakaraang taon ay inilabas ni AC ang kanyang debut single na "Sumayaw, Sumaya."

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 30, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.