Kathryn at Alden, sumabak sa 'Hello or Goodbye' challenge

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 12:22 PM | Updated as of Jul 19 2019 04:04 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sumabak sa "Hello or Goodbye" challenge ng "Umagang Kay Ganda" ang mga bida ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa hamon, kailangan lang mamili nina Kathryn at Alden kung "hello" o "goodbye" ang kanilang sagot sa mga bagay o sitwasyon na sasabihin ng "UKG" host na si Amy Perez.

Ilan sa mga bagay na kanilang pinagpilian ay ang adobo o sinigang, at aso o pusa.

Ipapalabas sa mga sinehan ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" simula Hulyo 31.

Umagang Kay Ganda, Hulyo 19, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.