Daniela at Romina ng 'Kadenang Ginto', time out muna sa awayan

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 12:38 PM | Updated as of Jul 12 2019 12:40 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Time out muna sa pagtatarayan sina Romina at Daniela Mondragon.

Spotted ang dalawang sikat na karakter ng seryeng "Kadenang Ginto" na ginagampanan nina Beauty Gonzalez at Dimples Romana na nakasakay sa isang tricycle.

Sa post ng isang netizen sa Facebook, suot pa nina Daniela at Romina ang kanilang red and gold outfits.

Si Daniela ang nagmamaneho ng tricycle, habang angkas naman niya si Romina.

Umagang Kay Ganda, Hulyo 12, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.