Angeline: I won't replace my idol Sarah

Posted at Jun 27 2011 10:05 PM | Updated as of Jun 28 2011 06:05 AM

Theme Song Diva na ang bansag sa Star Power search champion Angeline Quinto.

May sarili siyang bersyon para sa 100 Days to Heaven, dzMM, at Kris TV. Aawitin din ni Angeline ang theme song ng bagong tourism campaign na "Choose Philippines." Napili siyang kumanta matapos ang Independence Day celebration sa Luneta. 

”Ang laking karangalan po talaga na ginagawa ko na ito para sa bayan natin,” aniya.

Dream come true pa ang una niyang biyahe sa Amerika bilang guest sa concert tour ni Megastar Sharon Cuneta. Biro niya, maghahasa rin siyang mag-Ingles!

 “Oh yes, I will do my best all the time,” aniya.

Sa kanyang pagbalik , isusunod ang kanyang solo concert. Pinaplano na rin ang kanyang sariling teleserye kung saan gusto niyang matupad ang isa pang pangarap.

“Sana makasama ko po si Coco Martin kasi idol ko talaga siya,” aniya.

Sinalag na rin ni Angeline ang isyung siya na ang magmamana ng trono ni Sarah Geronimo.

“Hndi po! Siya pa rin ang inspirasyon ko... Hindi naman totoo na ako na ang papalit sa kanya sa ASAP. Aandun na po siya, andito lang ako sa baba,” aniya.

Dasal lang ni Angeline, huwag siyang magkasakit para makayanan niya ang lahat ng oportunidad na binibigay sa kanya! Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino