Amy Austria returns to TV soap

Posted at Jun 16 2011 09:42 PM | Updated as of Jun 17 2011 05:43 AM

Tumatak ang papel ni Amy bilang rebeldeng si Lora.

Pero biglang-bigla, nawala siya sa eksena nu'ng Abril.

Tinanggalan kasi ng cyst sa bandang tiyan ang 49 years old na aktres.

Doon natuklasan ang iba pa niyang karamdaman.

Hindi akalain ni Amy, nalagay sa peligro ang kanyang buhay sa loob ng 40 araw.

“Benign naman, kaya lang after nu'ng first na kain ko, sumakit 'yung tiyan ko. We decided talaga na ituloy 'yung second operation,” sabi ni Austria.

Akala ni Amy, katapusan na niya lalo't naalala niya ang kalbaryo ng yumaong kaibigang si Rudy Fernandez. Anu-ano na rin daw ang nasabi niya sa asawang si Luke Ventura.

“Whatever it is, sabi kong gano'n, Lord, huwag mo lang ako iiwan. Lahat ng mga savings ilipat ko na sa iyo,” sabi ni Austria.
    
Puno ng pasasalamat si Amy sa kanyang kabiyak, mga kaibigan at pamilya.

“Realization na lahat ng dito sa mundo ay hindi importante. Sa bandang huli, it's only between you and God,” sabi ni Austria.
       
Taliwas sa pakiusap ng mister, itinuloy ni Amy ang pagbabalik-telebisyon.

“Love ko 'tong 'Minsan Lang Kita Iibigin' eh,” sabi ni Austria.

Aabangan ang mas matapang na Amy sa “Minsan Lang Kita Iibigin." Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino