'Tawag' Grand Finals: Steven Paysu mula Amerika, naantig ang puso ni hurado Jaya

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 02:15 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Standing ovation din ang natanggap mula sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" finalist mula Amerika na si Steven Paysu.

Kinanta ni Paysu ang hit ni Elton John na "Your Song."

Ayon kay Paysu, hindi niya inasahan kailanman na ganun ang magiging pagtanggap sa kaniya ng mga hurado at madlang pipol. 

"Hindi ko po ine-expect dahil unang-una hindi naman ako nakatira dito. Talagang nakakaano, iba ang feeling na ang daming nagmamahal sa iyo," ani Paysu.

Si hurado Jaya, pinuri ang istilo ni Paysu na "kumukurot sa puso." 

"The way you tell a story, it's really tugging into our hearts. Talagang napakagaling mong kumanta. Inspired kami sa'yo. It was excellent and heartwarming," ani Jaya. 

Mapapanood ang "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" live sa YouTube channel ng "It's Showtime." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.