'Tawag' Grand Finals: Reggie Tortugo, tinawag na 'magaling' na balladeer

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 01:25 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Buena-manong nag-perform sa "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" nitong Sabado ang pambato ng Ormoc, Leyte na si Reggie Tortugo.

Kinanta niya ang hit song ni Guy Sebastian na "Angels Brought Me Here."

Matapos ang perfromance, sinabi ni Tortugo na inaalay niya ang kantang iyon sa mga taga-Leyte.

Tinawag naman ni huradong K Brosas si Tortugo bilang isang "magaling na balladeer"

"Hindi lang anghel ang nagdala sa'yo dito... Sa tingin ko ngayon tinodo mo. Nagugulat kami... Isa kang magaling na balladeer," ani Brosas. 

Maging si hurado Karla Estrada, napabilib rin ng tubong-Ormoc na si Tortugo.

"Isa ito sa pinakamalinis at pinakamagandang quality ng voice na narinig kong version ng kanta na iyan," ani Estrada. 

Mapapanood ang "Tawag ng Tanghalan: Ang Huluing Tapatan" live sa YouTube channel ng "It's Showtime." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.