'Tawag' Grand Finals: K Brosas naiyak sa performance ni Arabelle dela Cruz

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 01:34 PM | Updated as of Jun 02 2018 04:35 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Napa-standing ovation at napaiyak ang huradong si K Brosas sa performance ng Grade 11 student mula Laguna na si Arabelle dela Cruz matapos nitong kantahin ang "Memory" mula sa West End musical na "Cats."

Matapos ang performance, pinuri pa ng mga host na sina Vice Ganda at Amy Perez ang disposisyon ni Dela Cruz at sinabing tila hindi ito napapagod kahit tatlong linggo nang tuloy-tuloy kumakanta.

"Kapag po may pangarap, hindi napapagod," tugon naman ng singer. 

Ayon sa huradong si Karylle, may mga kakaibang ginagawa si Dela Cruz na hindi nila mapaliwanag.

"May mga ginagawa ka [na] ikaw lang ang nakakagawa. 'Yung mga kulot mo. Coz that's what I like about you. Thank you for not giving up," aniya.

Maging si hurado Kyla, napabilib din ng Grade 11 student.

"Mayroon ka talagang originality...Napakasarap mong pakinggan," ayon sa hurado. 

Mapapanood ang "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" live sa YouTube channel ng "It's Showtime." 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.