'Tawag' Grand Finals: Anton Antenorcruz, binigyang buhay ang 'birit hit' ni Angeline Quinto

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 01:30 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ang awiting "Patuloy Ang Pangarap" ni Angeline Quinto ang napiling bigyan ng bagong buhay ng flight attendant na si Anton Antenorcruz sa kaniyang final performance sa "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" nitong Sabado.

Napabilib ni Antenorcruz ang mga hurado sa kaniyang pagbirit. Ang ilan pa'y binigyan siya ng standing ovation. 

"That was very good, it's very pleasing. Ang sarap pa rin pakinggan... You are very impressive hindi lang sa talent kung hindi as a person," ani hurado Nyoy Volante.

"You are a star," ayon naman kay hurado Jed Madela. 

Mapapanood ang "Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan" live sa YouTube channel ng "It's Showtime." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.