'It was just so good': Claudia Barretto, naiyak sa pelikula ng kapatid na si Julia

ABS-CBN News

Posted at May 17 2019 12:03 PM | Updated as of May 17 2019 01:44 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Naiyak si Claudia Barretto matapos panoorin ang pelikulang "Between Maybes" kung saan bida ang kapatid niyang si Julia at ang aktor na si Gerald Anderson.

Sa Instagram, ibinahagi ng nanay ng magkapatid na Barretto ang mga retrato at video kung saan kita ang pagyakap o pag-comfort ni Julia kay Claudia.

"It was just so good," ani Claudia nang tanungin tungkol sa proyekto ng kanyang kapatid.

Mapapanood na sa mga sinehan ang "Between Maybes." 

Umagang Kay Ganda, Mayo 17, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.